Skip to content
Gabay
Prayers

Alalahanin Mo

The Memorare

Tagalog

Alalahanin Mo, O maawaing Birheng Maria, na hindi pa narinig kailanman na ang sinumang dumulog sa Iyong pagkalinga, humingi ng Iyong tulong, at humiling ng Iyong pamamagitan ay pinabayaan Mo. Sa pagtitiwalang ito, lumalapit ako sa Iyo, O Birhen ng mga birhen, aking Ina. Sa Iyo ako dumudulog, sa harap Mo ako nakatayo, makasalanan at nagdadalamhati. O Ina ng Salitang nagkatawang-tao, huwag Mong hamakin ang aking mga kahilingan, kundi sa Iyong awa ay pakinggan at sagutin Mo ako. Amen.

English

Remember, O most gracious Virgin Mary, that never was it known that anyone who fled to thy protection, implored thy help, or sought thy intercession was left unaided. Inspired by this confidence, I fly unto thee, O Virgin of virgins, my Mother. To thee do I come, before thee I stand, sinful and sorrowful. O Mother of the Word Incarnate, despise not my petitions, but in thy mercy hear and answer me. Amen.